Pinagsusumite ng Court of Appeals (CA) ang Office of the Solicitor General (OSG) ng komento sa petisyon ng negosyanteng si Roberto Ongpin na nahaharap sa kasong may kaugnayan sa tinatawag na insider trading sa shares ng Philex Mining Corp.
May 60 araw ang OSG para magkomento at mayroon namang 30 araw ang kampo ni Ongpin para sumagot at pagkatapos nito ay submitted for decision na ang kaso.
Kanina ay muling sumalang sa pagdinig ng CA ang mga abogado ni Ongpin kung saan, iginiit ni Atty. Estelito Mendoza na nag-lapse o napaso na ang panahon na pinapayagan ng batas para kasuhan ang kanyang kliyente na nagpapataw ng multa na P174 million.
Ayon kay Mendoza, natapos na ang tatlong taong panahon o prescriptive period para asuntuhin ang kanyang kliyente matapos madiskubre ang sinasabing krimen.
Taliwas ito sa naging posisyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) at ng OSG.
Kinuwestiyon din ni Mendoza ang SEC Enforcement and Investor Protection Department kung bakit natagalan ang pagsasampa ng kaso laban kay Ongpin kung talagang malaki ang naging kasalanan nito na inabot pa ng halos limang taon bago naisampa ang kaso.
Napilitan pa umanong dumulog si Ongpin sa Appellate Court matapos maglabas ng kautusan ang SEC noong July 8 na nagpapataw sa kanya ng 174 counts ng kasong may kaugnayan sa insider trading sa shares ng Philex Mining noong December 2009.
Una rito, nakinabang si Ongpin sa insider trading nang bilhin nito ang karagdagang shares ng Philex bago pa man ang kasunduan sa pagitan ng Philex at Hong Kong-based company na First Pacific Co. Ltd. noong December 1, 2009.

ConversionConversion EmoticonEmoticon